Beteranong aktor na si Bernardo Bernardo, na-diagnose na may pancreatic tumor

By Angellic Jordan January 07, 2018 - 03:39 PM SHARE(S):
Courtesy: Bernardo Bernardo Facebook

Na-diagnose ang beteranong aktor na si Bernardo Bernardo na may pancreatic tumor.

Sa kaniyang Facebook account, sinabi ng aktor na namamaga ang kaniyang pancreas dahil sa aniya’y “possible malignant” na tumor.

Kasunod nito, nakiusap si Bernardo ng panalangin mula sa publiko para sa kaniyang paggaling mula sa kasalukuyang kondisyon.

Napag-alaman ang sakit ni Bernardo matapos dumaan sa isang buwang laboratory tests sa University of Santo Tomas hospital sa Sampaloc, Maynila.

Kabilang si Bernardo sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na “Ang Larawan” na itinanghal bilang Best Picture ngayong taon.

TAGS: Ang Larawan cast member, Bernardo Bernardo, pancreatic tumor, Ang Larawan cast member, Bernardo Bernardo, pancreatic tumor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.