2 katao, patay matapos mabagsakan ng puno sa Bohol

By Angellic Jordan January 07, 2018 - 09:31 AM

Courtesy: Google map

Patay ang dalawa katao matapos matumbahan ng puno sa probinsya ng Bohol.

Kinilala ang mga biktima na si Jaycel Barcibal Dajalos, 24-anyos na guro, at ang tiyuhin na si Rogelio Barcibal, 47-anyos, parehong residente ng Barangay Minol sa bayan ng Mabini.

Ayon sa mga saksi, naganap ang insidente habang nakasakay ang dalawa sa motorsiklo sa bahagi ng Barangay Poblacion II, umaga ng Sabado.

Papunta sana ang dalawa sa bayan ng Candijay nang biglang matumbahan ng puno ng buko na dahilan ng agad na agad na pagkasawi nito.

Samantala, ayon sa barangay captain ng Minol na si Edgar Tumanda, posibleng humina ang pundasyon ng puno bunsod ng dumaang Bagyong Agaton noong nakaraang linggo.

TAGS: Barangay Poblacion II, Bohol, Brgy. captain Edgar Tumanda, puno ng buko, Barangay Poblacion II, Bohol, Brgy. captain Edgar Tumanda, puno ng buko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.