Kasalang Ellen Adarna – John Lloyd Cruz malapit na ayon kay Lolit Solis

By Rhommel Balasbas January 07, 2018 - 04:12 AM

Inihayag ng talk-show host at writer na si Lolit Solis na malapit nang ikasal sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay sinabi ni Solis na isang source na hindi niya pinangalanan ang nagbunyag sa kanya na nag-book na ng caterer at florist ang dalawa para sa kanilang kasal.

Ayon sa kanya, magaganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa isang beach resort sa Cebu sa unang bahagi o huling linggo ng Februrary.

Ikinonekta din ng showbiz host sa kanilang kasal ang pakikibahagi ni Cruz sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon ng pamilya ni Adarna

Kabilang umano sa mga magiging major sponsors para sa kasal sina dating Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo at Dr. Joven Cuanang ng St. Luke’s Medical Center.

Masaya si Solis na ang pagmamahalan ng dalawa sa isa’t isa ay maghahatid sa kanila sa altar.

TAGS: Lolit Solis says Cruz-Adarna nuptial on its way, Lolit Solis says Cruz-Adarna nuptial on its way

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.