Terrence Romeo, hindi pa makakasabak sa laban sa Pebrero

By Kabie Aenlle January 06, 2018 - 05:27 AM SHARE(S):

Hindi pa makakasabak si Terrence Romeo sa unang laban ng Gilas Pilipinas ngayong taon sa Pebrero.

Ilang buwan pang hindi makakapaglaro si Romeo dahil kailangan muna niyang pagalingin nang tuluyan ang kaniyang knee contusion injury.

Ibinahagi ito ni Romeo matapos kapansin-pansing hindi napasama ang kaniyang pangalan sa inilabas ni coach Chot Reyes na listahan ng manlalaro ng Gilas Pilipinas na magbabalik-Monday training simula January 8.

Para ito sa paghahanda nila sa ikalawang leg ng Asian qualifiers ng FIBA.

Tutungo sa Melbourne ang Gilas Pilipinas sa upang kalabanin ang Australia sa Margaret Court Arena sa February 22, at saka babalik ng Pilipinas para naman lumaban sa Mall of Asia kontra Japan sa February 25.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.