Sisibaking opisyal ng gobyerno, iaanunsiyo na ng Palasyo ngayong araw

By Mariel Cruz January 04, 2018 - 10:57 AM

Iaanunsiyo na ng Malacañang ang pangalan ng opisyal ng gobyerno na sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mamayang hapon niya iaanunsiyo ang sunod na opisyal na gustong tanggalin sa serbisyo ng pangulo.

Gagawin ni Roque ang anunsiyo mamayang 1:30 ng hapon sa isang press briefing sa Davao City.

Sinabi ni Roque na binigyan na siya ng kautusan na ituloy na ang pag-aanunsiyo.

Bukod dito, binanggit din ni Roque na mayroon pang isang opisyal na sisibakin din sa puwesto pero magiging diretso na aniya ang gagawin niyang anunsiyo dito, at hindi na siya magbibigay ng warning o babala.

Tila nadulas naman si Roque nang mabanggit nito na ang nasabing sisibakin opisyal ay isang lalaki.

Kahapon, naudlot ang nakatakdang pag-aanunsiyo ni Roque matapos aniya siyang utusan na ipagpaliban muna ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.