Driver na nakabangga sa binatilyong lalaki sa Pasay, hawak na ng MTPB

By Mark Makalalad January 04, 2018 - 09:13 AM SHARE(S):
Kuha ni Mark Makalalad

Nai-turn over na sa Manila Traffic and Parking Bureau ang driver ng SUV na nakabangga sa isang binata na tumatawid sa Roxas Blvd corner Pedro Gil St.

Maghahating gabi nang nadala sa MTPB ang Chinese na menor de edad kasama ang kanyang ina at isang kaibigan na sakay ng SUV na may plakang LIN 29.

Ayon sa abogado ng pamilya na si Carl Co, magde-deliver lang sana ng prutas sa isang shop ang mag-ina at banayad lang ang kanilang takbo nang biglang tumawid ang binata.

Hindi rin daw totoo na tumakas sila dahil handa naman nilang panagutan ang aksidente.

Nagkataon lang umano na umandar sila ng metro dahil natakot din sila na baka makuyog sila ng mga motorista.

Samantala, sasagutin naman ng nakabangga ang pagpalibing sa biktima at maglalaan din ng kaunting financial assistance.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.