2 lalaki, arestado matapos tangayin ang motor ng isang pulis sa Tondo

By Mark Makalalad January 04, 2018 - 08:27 AM SHARE(S):

Arestado ang dalawang lalaki matapos tumangay ng motor ng pulis sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Isaganie Dalena, 29 taong gulang at Rodney Pusiso, 26 taong gulang na kapwa nakatira sa F. Varona Street sa Tondo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District Station 1, lumalabas na iniwan lang ni PO2 Ericzaldy Madarang ang kanyang motor sa parking sa Panday Pira Street nang tangayin ito ng dalawang lalaki.

Nalaman na lang daw ng biktima ang nangyari makaraang itong ipabatid sa kanya ng kanyang hipag na si Dianne Tolentino.

Sa tulong ng mga barangay officials natukoy ang mga suspek at narekober ang motor ng biktima na isang Yamaha Mio Soul 115.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Law.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.