Dalawang magkasunod na lindol, naitala sa Sarangani, Davao Occidental

By Mariel Cruz January 04, 2018 - 08:23 AM SHARE(S):

Dalawang magkasunod na lindol ang yumanig sa Sarangani, Davao Occidental ngayong araw.

Batay sa datos ng Phivolcs, naitala ang unang lindol na may lakas na magnitude 4.1 na lindol sa 274 kilometers Southeast ng Sarangani kaninang 6:41 ng umaga.

May lalim ang nasabing lindol na 71 kilometers at tectonic ang origin.

Bandang 8:15 ng umaga, naitala naman ang magnitude 3.7 na lindol sa 307 kilometers Southeast sa kaparehong lugar.

Wala naman naitalang intensity bunsod ng dalawang lindol.

Hindi rin inaasahan na magdudulot ang mga ito ng pinsala at aftershocks.

Bukod dito, wala din pahayag ang Phivolcs kung aftershock ba ng naunang lindol ang pangalawang pagyanig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.