17-anyos na dalagita, ginahasa, pinatay at isinako sa Cagayan de Oro City

By Kabie Aenlle January 04, 2018 - 03:52 AM SHARE(S):

 

Naaagnas na nang matagpuan ang bangkay ng isang 17-anyos na dalaga sa isang bakanteng lote sa Barangay Puntod, Cagayan de Oro City na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay ng kaniyang kasintahan.

Base sa imbestigasyon, magkasama ang mag-kasintahan na sina Ric Jan Polinar, 21 taong gulang at Jerra May Lumacang sa isang kasiyahan noong bisperas ng Bagong Taon.

Nagselos umano si Polinar nang malaman na dating mga karelasyon ni Lumacang ang kanilang mga kainuman.

Napag-utusan silang magkasintahan na bumili pa ng alak, pero nang pabalik na sila, hinila ni Polinar si Lumacang sa bakanteng lote at doon ginahasa.

Matapos gahasain ang kasintahan, pinukpok ni Polinar si Lumacang sa ulo gamit ang martilyo at saka ito isinilid sa sako na kalaunan ay nakuha ng mga pulis.

Walang suot na saplot pang-ibaba si Lumacang nang matagpuan ng mga pulis, habang ang ginamit na martilyo ni Policar ay natagpuan malapit sa kaniyang bangkay.

Dinala na sa crime laboratory ang mga ebidensyang natagpuan sa crime scene para sa imbestigasyon.

Sa ngayon ay hawak na ng pulisya si Polinar at nakasuhan na rin ng rape with homicide.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.