Guidelines sa foreign trips ng mga gov’t officials inilabas ng Palasyo

By Rohanisa Abbas January 04, 2018 - 01:24 AM SHARE(S):

 

Inilabas ng Malacañang ang guidelines para sa mga pagbyahe ng mga opisyal at tauhan ng gobyerno sa labas ng bansa.

Batay sa memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea, papayagan lamang ang official foreign travel kapag bahagi ito ng mandato ng opisyal, hindi mahal ang inaasahang gastusin nito at may pakinabang ang bansa rito.

Kinakailangan din ng mga opisyal na kumuha ng travel authorization mula sa kanyang ahensya, kabilang ang kanyang mga personal na pagbyahe kahit na walang gastusin ang gobyerno rito.

Inatasan din ang mga otorisadong pinuno ng ahensya na magsumite ng listahan ng mga inaprubahang byahe sa Office of the Executive Secretary at Department of Interior and Local Government.

Mahaharap ang mga mabibigong sumunod dito sa kasong administratibong kaso ng misconduct, insubordination at iba pang kaugnay na paglabag sa ilalim ng Civil Service Commission Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service.

Ang hakbang na ito ng Malacañang ay kasunod ng mga pagsibak ni Duterte sa mga opisyal ng gobyerno dahil sa madalas na pagbyahe abroad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.