Walang balak ang Pangulo na palawigin ang kanyang termino-Roque

By Rohanisa Abbas January 04, 2018 - 01:02 AM SHARE(S):

 

Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na pahabain pa ang pag-upo nito sa puwesto.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas nanaisin pa ng pangulo na na paikliin ang kanyang termino sa halip na pahabain ito.

Sinabi ni Roque na maaaring palawigin ang termino ni Duterte kung talagang kinakailangan, kung bukas ang pangulo ito at magiging bahagi ito ng bagong Saligang Batas na inaprubahan ng sambayanan.

Ang pahayag na ito ni Roque ay kaugnay ng mungkahi ni Senate President Koko Pimentel na posibleng palawigin ang termino ni Duterte kapag naisulong ang federalism ngayong taon. Sinabi ni Pimentel na posible ito kung kinakailangan at kung bukas ang pangulo.

Nilinaw naman ng senador na nakadepende pa rin ito sa transitory provisions.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.