12-anyos na binatilyo, patay sa hit and run sa Roxas Blvd, Maynila

By Mark Makalalad January 04, 2018 - 01:25 AM SHARE(S):

 

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang binatilyo matapos ma-hit and run sa kanto ng Roxas Blvd. at Pedro Gil St.

Nakilala ang biktima na si John Oliver Vargas, 12 taong gulang.

Ayon sa saksi sa aksidente na si Mark Ordano, naglalaro ng ‘habulan’ ang biktima kasama ang 4 niya pang kasamahan nang tumawid ito mula sa North bound ng Roxas Blvd papunta sa South Bound.

Dito na raw ito naghagip ng humaharurot na itim na Mitsubishi Fortuner.

Sinubukan pang harangin ng saksi ang driver ng SUV pero nang makita ang nangyari ay tumakas na ito.

Hindi naman maisalarawan ang pighati ng ama ng biktima na si Danilo, katatapos lang daw kasi nila maghapunan ng biglang nawala ang kanyang anak.

Nasa kustodiya na ngayon ng Pasay Police ang posibleng suspek at sasakyan sa nakabangga matapos i-report ng mga concerned citizen.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.