Ilang domestic flights sa NAIA, kanselado na ngayong araw

By Mariel Cruz January 03, 2018 - 08:07 AM

Photo: NAIA-MIAA’s FB post

Dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Agaton, kanselado na ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Miyerkules, January 3.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority, kinansela na ang dalawang biyahe ng Cebu Pacific.

Kabilang dito ang 5J 321 Manila to Legazpi at 5J 322 Legazpi to Manila.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa refund ng pamasahe o rebooking ng kanilang flight.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, bahagyang bumagal ang bagyong Agaton habang patungo na sa West Philippine Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.