Magnitude 3.9 na lindol, naitala sa Jabonga, Agusan Del Norte

By Mariel Cruz January 03, 2018 - 07:54 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang Jabonga, Agusan Del Norte.

Batay sa datos ng Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 3 kilometers Southeast ng Jabonga kaninang 2:30 ng madaling araw.

May lalim ang nasabing lindol na 10 kilometers at tectonic ang origin.

Wala naman naitalang intensity bunsod ng nasabing pagyanig.

Hindi rin inaasahan na magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.