Pabuya, alok sa makapagtuturo sa umano’y rapist na coach sa Marikina

By Kabie Aenlle January 03, 2018 - 04:02 AM SHARE(S):

 

Nag-alok na ng P100,000 na pabuya ang mga magulang ng isang 12-anyos na batang babae para sa sinumang makapagbibigay impormasyon sa kinaroroonan ng dati nitong volleyball coach na paulit-ulit umano siyang ginahasa sa Marikina City.

Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad ang suspek an si Dennis Gregory Laping, dahil mayroon nang tatlong arrest warrant laban sa kaniya.

Nasa sampung beses umanong ginahasa ni Laping ang Grade 7 student sa pagitan ng mga buwan ng Pebrero at Abril noong nakaraang taon.

Ayon sa isa sa mga abogado ng pamilya, humingi na sila ng tulong sa publiko dahil dismayado sila sa kakulangan ng pagsisikap ng mga pulis para mahanap ang suspek.

Nahaharap sa mga kasong statutory rape, rape at sexual abuse si Laping.

Panawagan ng pamilya, kung sinuman ang may nalalaman sa kinaroroonan ni Laping ay tumawag o ipagbigay-alam lamang sa mga numerong 0917-817-4748, 0945-463-6430 o sa mga pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.