Lalaki, sinabuyan ng asido sa mukha at katawan sa Pangasinan

By Kabie Aenlle January 03, 2018 - 03:59 AM SHARE(S):

 

Napuruhan at posibleng mabulag na nang tuluyan ang kaliwang mata ng 26-anyos na lalaki sa Urdaneta City, Pangasinan.

Nalapnos kasi ang kaniyang mukha at ilang bahagi ng katawan matapos siyang sabuyan ng asido ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nakilala ang biktima na si Dante Dayag, na pauwi na sana sa kanilang tahanan sa Barangay Bobonan sa bayan ng Asingan sakay ng motorsiklo nang mangyari ang insidente.

May bigla na lang umanong nag-overtake kay Dayag na naka-motorsiklo din at saka tumakas.

Akala ni Dayag noong una ay napuwing lang siya ngunit nagsisigaw na siya dahil sa hapdi, saka niya napagtantong binuhusan pala siya ng asido sa mukha.

Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na sinadya talaga ang pagsaboy ng asido kay Dayag dahil inabala pa ng mga ito na mag-overtake para lang gawin ang krimen.

Nanawagan naman ng hustisya ang pamilya ni Dayag, pero tiniyak naman ng pulisya na iimbestigahan nila nang maigi ang nangyaring insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.