Higit P35 libong halaga ng mga paputok, nakumpiska ng MPD

By Kabie Aenlle January 03, 2018 - 12:02 AM

 

Nasabat ng Manila Police District (MPD) ang kabuuang P35,771 na halaga ng mga iligal na paputok, habang 21 naman ang kanilang naaresto sa kasagsagan ng holiday season.

Ayon kay MPD spokesperson Supt. Erwin Margarejo, nakapagkasa sila ng 33 operasyon laban sa iligal na pag-iingat, paggamit at pagbebenta ng mga paputok mula noong December 15.

Umabot naman na sa 134 ang kabuuang bilang ng mga nabiktima ng firecracker-related injuries na kanilang naitala sa Maynila.

Bukod dito, dalawang insidente ng sunog ang sa ngayo’y iniimbestigahan pa ng MPD.

Samantala, may mga naaresto naman sila sa Tondo at Bindondo dahil sa indiscriminate firing, pero mapalad na wala naman silang naitalang nabiktima ng ligaw na bala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.