Opensiba laban sa NPA, tuloy na uli sa pagtatapos ng ceasefire

By Jay Dones January 03, 2018 - 01:00 AM

 

File photo

Tuloy nang muli ang opensiba laban sa New People’s Army sa ngayong opisyal nang nagtapos ang ceasefire na ipinatupad ng gobyerno nitong nakalipas na holiday season.

Madaling-araw ng Miyerkules natapos ang suspension of offensive military operations (SOMO) na idineklara ng gobyerno nitong nakalipas na Kapaskuhan laban sa mga rebelde.

Sinimulan itong ipatupad noong December 23 hanggang December 26 at December 30 hanggang 11:59 ng January 2.

Nagpatupad rin ng halos kahalintulad na ceasefire ang NPA.

Ayon sa Department of National Defense, otomatikong balik na sa normal ang offensive combat operations ng militar sa pagtatapos ng ceasefire.

Malaki anila ang naging tulong ng tigil-putukan sa mga sundalo upang makapagpahinga kahit ilang araw lamang nitong nakalipas na holiday.

Gayunman, ngayong tapos na ang ceasefire, muling magbabalik sa opensiba ang mga sundalo upang matiyak na mapipigilan ang anumang banta mula sa mga rebelde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.