“Agaton” nag-landfall na sa Palawan

By Kabie Aenlle January 02, 2018 - 11:49 PM SHARE(S):

 

Napanatili ng bagyong “Agaton” ang lakas nito matapos tumama sa kalupaan ng Aborlan, Palawan.

Sa 11:00 pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Agaton sa 40 kilometers south ng Puerto Princesa City, Palawan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugso na 75 kilometers per hour.

Inaasahang patuloy itong kikilos sa bilis na 30 kilometers per hour patungo sa Kanlurang direksyon.

Nakataas naman ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Palawan.

Katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Palawan, pati na sa Bicol Region, Samar provinces, Southern Quezon, Panay Island at sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.