Traffic Crisis Act isasalang sa debate sa Kamara

By Erwin Aguilon January 03, 2018 - 12:00 AM

Isinusulong ng chairman ng House committee on transportation na si Rep. Cesar Sarmiento ang pagpasa ng Traffic Crisis Act na magbibigay ng emergency powers kay Presidente Rodrigo
Duterte sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara sa January 15, 2018.

Ayon kay Sarmiento, na panel chairman, inaasahang isasalang sa plenary debate ang panukala upang masolusyunan ang traffic gridlock sa Metro Manila gayundin sa mga lungsod ng Cebu at Davao.

Sinabi ni Sarmiento, isa sa may-akda ng panukala na posibleng maaprubahan ito sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara bago matapos ang kasalukuyang buwan.

Sa ilalim ng panukala, bubuo ng isang single traffic authority na pangungunahan ng traffic czar ba itatalaga ng pangulo.

Nakasaad din sa panukala na kailangang makalikha ang mapipiling traffic czar ng traffic management plan sa loob ng 90 araw na siyang magha-harmonize ng lahat ng traffic regulations ng mga apektadong lugar.

Sa ilalim din ng panukala itatalaga Department of Transportation Secretary bilang traffic chief de officio na magkakaroon ng kapangyarihan na kontrolin ang traffic at transport management gayundin ang toad use sa mga tinukoy na lugar.

Bilang alter ego ng pangulo ang traffic chief ay mayroong kapangyarihan na mag supervise sa mga LGUs ng mga apektadong lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.