Bagyong Agaton, bahagyang bumilis habang papalapit sa Palawan

By Rohanisa Abbas January 02, 2018 - 08:28 PM SHARE(S):
PAGASA

Bahagyang bumilis ang Bagyong Agaton habang papalapit sa Palawan.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Napanatili ng tropical depression ang lakas na may dalang hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.

Huli itong namataan 105 kilometro sa timog silangan ng Puerto Princesa City, Palawan.

Nanatiling nasa ilalim ng Signal No. 1 ang Palawan, kasama ang Cuyo Island.

Inaasahang ngayong gabi tatama sa kalupaan ng Palawan ang Bagyong Agaton.

 

TAGS: Bagyong Agaton, Palawan, Tropical Depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.