Team leader ng mga pulis na sangkot sa Mandaluyong shooting incident, nag-AWOL

By Rohanisa Abbas January 02, 2018 - 06:26 PM SHARE(S):

Binalaan ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa ang team leader ng Mandaluyong police na sangkot sa insidente ng pamamaril na ikinasawi ng dalawa katao.

Sinabi ni Dela Rosa na posibleng tugisin ng pulisya si Senior Inspector Maria Cristina Vasquez kapag naglabas ng arrest warrant ang korte.

Ayon sa hepe, nag-AWOL o absence without leave si Vazquez simula nang maganap ang insidente ng mistaken identity noong Huwebes.

Dahil dito, nanawagan si Dela Rosa kay Vasquez na sumuko na sa mga otoridad. Dagdag niya, hindi dapat matakot ang mga pulis kung wala silang masamang intensyon.

Hindi dumalo si Vasquez sa inquest proceedings para sa mga kasong homicide at frustrated homicide na isinampa laban sa kanya at siyam na iba pang pulis.

Hindi rin nag-report sa Regional Police Holding and Accounting Unit si Vasquez kung saan dapat siyang sumailalim sa kustodiya nito.

 

TAGS: Mandaluyong shooting incident, mistaken identity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.