LOOK: Ilang flights kanselado ngayong araw dahil sa sama ng panahon

January 02, 2018 - 08:54 AM

Photo courtesy: MIAA

(UPDATE) Kanselado na ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Martes, January 2.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flights 2P 2203 at 2204 na biyaheng Manila – Roxas – Manila ng PAL Express.

Kanselado rin ang flights 2921 biyaheng Manila – Legazpi ng PA: Express at 5J 895 at 896 Manila – Caticlan – Manila ng Cebu Pacific.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Roxas City dahil sa bagyong Agaton.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa refund ng pamasahe o rebooking ng kanilang flight.

 

 

 

 

TAGS: Bagyong Agaton, MIAA, pal express, Bagyong Agaton, MIAA, pal express

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.