Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Visayas dahil sa Bagyong Agaton

By Dona Domiguez-Cargullo January 02, 2018 - 07:49 AM SHARE(S):

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa patuloy na pag-ulan na hatid ng nagyong Agaton.

Sa abiso ng PAGASA, orange rainfall warning sa Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, at sa Southern portion ng Antique.

Binalaan ng PAGASA ang mga residente na nagbabadya ang landslides at flashfloods.

Samantala, yellow rainfall warning naman ang nakataas sa Aklan, Capiz at nalalabi pang bahagi ng Antique.

Pinayuhan ang mga residente na mag-antabay sa susunod na abiso na ilalabas ng PAGASA.

TAGS: Bagyong Agaton, Mindanao, pagasa, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.