SPD, walang naitalang biktima ng ligaw na bala sa buong holiday season

By Ruel Perez January 02, 2018 - 07:45 AM

Walang tinamaan ng ligaw na bala sa areas of responsibility o AOR ang Southern Police District (SPD) nitong holiday season hanggang sa pagsalubong sa bagong taon

Batay sa consolidated incident report ng SPD, mula Disyembre 16, 2017 hanggang alas-7 ng gabi nitong Enero 1, 2018, nakapagtala lamang ito ng apat na insidente ng illegal discharge of firearms, isa sa Las Pinas, isa sa Makati at dalawa naman sa Taguig City.

Ayon kay SPD spokesperson Police Supt. Jenny Tecson, umabot naman sa 52 ang na-monitor nilang firecracker-related injuries, 10 sa Taguig, tatlo sa Makati, 15 sa Pasay, siyam sa Pque, pito sa Las Pinas at walo naman sa Muntinlupa.

Mayroon naman dalawang nahuling nagbebenta at nagtataglay ng bawal na paputok sa BF Homes, Parañaque.

Nakilala ang mga ito na sina Jamil Lawi at John Shiedon Rebollo, kapwa-residente sa lugar.

Inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Samantala, ayon sa SPD, wala rin silang naitalang sunog dahil sa paputok sa kanilang mga nasasakupang lugar.

TAGS: ligaw na bala, SPD, ligaw na bala, SPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.