Bahay nasunog sa Catanduanes

By Justinne Punsalang January 02, 2018 - 12:14 AM SHARE(S):

 

Tinupok ng apoy ang isang palapag na bahay sa Barangay Cavinitan sa bayan ng Virac, Catanduanes halos dalawang oras bago sumapit ang 2018.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagsimula ang sunog dahil sa naiwang nakasinding kandila na nakapatong sa isang plastic cabinet.

Maswerte namang walang naitalang nasugatan sa naturang insidente.

Nagsimula ang apoy bandang 10:15 ng gabi ng Sabado at naapula ng alas-11 ng gabi.

Dahil sa insidente ay hindi na nakapagdiwang pa ng bagong taon ang mga residente ng naturang bahay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.