2 patay, 16 sugatan sa pagsabog na naganap sa Maguindanao

By Mariel Cruz January 01, 2018 - 11:59 AM

Patay ang dalawa katao habang sugatan ang labing anim na iba sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa loob ng isang tricycle sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Senior Supt. Raul Supiter, Sultan Kudarat police director, naganap ang pagsabog bandang 11:05 ng gabi sa kahabaan ng national highway sa Barangay Buenaflor, Tacurong City.

Sumabog ang IED sa loob ng umaandar na tricycle na patungo sana sa Isulan, Sultan Kudarat.

Kinilala ang mga nasawi sa pagsabog na sina Dominador Datahan ng Barangay New Isabela, at ang kanyang pasahero na si Aladin Laguiab, residente sa bayan ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao.

Sugatan naman ang isa pang pasahero kasama ang labinglimang iba pa sa naturang pagsabog.

Inaalam pa ngayon ng mga imbestigador kung ang mga pasahero ang may dala ng sumabog na bomba.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: EID, sultan kudarat, TAcurong City, EID, sultan kudarat, TAcurong City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.