Ilang pamilya, piniling salubungin ang Bagong Taon sa Luneta

By Mark Makalalad January 01, 2018 - 04:20 AM SHARE(S):

Sa halip na malibang sa mga paputok ngayong Bagong taon, naaliw na lamang sa makulay na Fountain sa Luneta Park sa Maynila ang ilan nating mga kababayan.

Maaga pa lang ay naglatag na ng higaan at nagtayo ng tent ang ilang pamilya para sabay sabay na magsalo ng Media Noche para sa pagsalubong sa 2018.

Perfect place raw kasi ang Luneta para manuod ng fireworks display. Bukod dito, libre rin ang manuod ng concert.

Ayon sa mga nakapanayam ng Radyo Inquirer, pinili ng ilan na hindi muna sa bahay magdiwang ng Bagong Taon para maiba naman ang lugar ng kanilang Pagsalubong.

Ang importante naman daw kasi ay magkakasama-sama silang pamilya at nagdidiwang na may positibong pananaw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.