Bagong movie projects at album, susunod na target ni EA Guzman

By Justinne Punsalang January 01, 2018 - 01:10 AM

Laking tuwa ni Edgar Allan ‘EA’ Guzman nang magwagi ito ng Best Supporting Actor Award mula sa ika-43 Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikulang ‘Deadma Walking.’

Ayon dito, bago ang awards night ay nagpunta ito sa St. Clare Monastery at nag-alay ng tatlong itlog na kulay pink, red, at green para humiling ng award.

Hindi naman aniya akalain na matutupad ang kanyang hiling kaagad-agad.

Ayon sa Kapuso star, sana ay magsilbing stepping stone ang natanggap niyang award para makakuha siya ng iba pang mga acting jobs.

Gusto ni EA na magkaroon pa ng panibagong TV show at inamin nito na mayroon na siyang natatanggap na mga offer para sa mga pelikula.

Hindi pa man nagsisimula ang taong 2018 ay mukha aniyang magiging maganda ang takbo ng kanyang karera.

Bagaman ilang araw na ang lumipas nang matanggap niya ang kanyang acting award ay hindi pa siya lubusang nakakapagdiwang.

Kaya naman gusto niyang pumunta nang solo sa Estados Unidos at manood ng live NBA match sa pagitan ng Golden State Warriors at Oklahoma City Thunders.

Sa ngayon ay plano ni EA na maglabas ng panibagong album na matagal na aniyang nakatengga. Aniya, nasa tamang momentum na siya at dapat ay hindi na niya ito sayangin pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.