Nadine Lustre nagbakasyon sa Bohol

By Justinne Punsalang December 31, 2017 - 09:49 PM SHARE(S):

Masayang nagre-relax ngayong holiday season si Nadine Lustre sa Eskaya Beach Resort sa Bohol, kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend na si James Reid.

Sa magkakasunod na Instagram posts ng Kapamilya actress, ibinahagi nito ang kanilang pagtatampisaw sa dagat kasama ang mga kaibigan, maging ang kapatid ni James na si Lauren.

Ipinakita rin ni Nadine ang kanyang beach body habang nakadapa sa dalampasigan.

Sa sariling Instagram account ni Lauren ay nagpost rin ito ng kanilang picture na magkakasama.

Nagpost rin ito ng isang maikling video kung saan makikita ang kanilang masayang pagsasayaw ni Nadine habang nakatayo sa infinity pool.

TAGS: Bohol, james Reid, Lauren Reid, Nadine Lustre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.