Dingdong Dantes at Marian Rivera, nagdiwang ng kanilang ikatlong wedding anniversary

By Mariel Cruz December 31, 2017 - 01:26 PM SHARE(S):

Ipinagdiwang ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang third wedding anniversary kahapon, December 30.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Dingdong ang kanyang mensahe para kay Marian kalakip ang larawan ng aktres noong araw na ikinasal sila.

Ayon sa Kapuso actor, handa siyang pakasalan muli si Marian ang kahit na ilang beses pero sa mas simple nang paraan.

Sa kanyang panig naman, sinabi ni Marian na nagsimula ang kanilang “forever” noong araw na pinag-isang dibdib na sila ni Dingdong.

Dagdag ng aktres, noong nakilala niya si Dingdong ay naniwala na siya sa forever.

Ikinasal sina Dingdong at Marian noong December 30, 2014 sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Quezon City.

Noong November 2015, isinilang naman ni Marian ang unang anak nila ni Dingdong na si Baby Letizia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.