Stephen Curry, makakapaglaro na muli matapos ang tinamong ankle injury

By Mariel Cruz December 31, 2017 - 10:50 AM SHARE(S):

Babalik na sa basketball court si Golden State Warriors star Stephen Curry matapos hindi makapaglaro dahil sa sprained right ankle.

Hindi nakasama si Curry sa labing isang laban ng Golden State dahil sa nasabing injury.

Ayon kay Coach Steve Kerr, maaaring tumagal lamang ng anim hanggang pitong minuto ang paglalaro ni Curry kada quarter ng laban.

Sa kabuaan aniya, tatlumpung minuto lamang niyang isasabak sa court two-time MVP sa loob ng isang laban.

Umaasa si Kerr na bubuti na ang lagay ng kanyang star point guard matapos makapagpahinga.

Hawak ngayon ng koponan ang 9-2 na standing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.