31 deboto, nasugatan sa prusisyon ng Itim na Nazareno

By Angellic Jordan, Mariel Cruz December 31, 2017 - 10:32 AM SHARE(S):
Kuha ni Jap Dayao

Umabot sa tatlumpu’t isang deboto ang nabigyan ng paunang lunas matapos magtamo ng mga sugat at nahimatay dahil sa pagdalo sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Maynila.

Ayon sa ulat, ilan sa mga deboto ang nagtamo ng minor injuries habang ang iba naman ay nahimatay at nahilo dahil sa pagtaas ng blood pressure.

Agad naman rumesponde ang ilang medical teams na nakatalaga sa paligid ng Quiapo Church.

Libu-libong deboto ng Itim na Nazareno ang lumahok sa thanksgiving procession na nagsimula kaninang alas dos ng madaling araw.

Karamihan pa sa mga ito ay inokupahan ang ilan sa mga lane sa Quezon Avenue.

Tatlong beses inilalabas ang imahe ng Itim na Nazareno kada taon, tuwing Traslacion, Good Friday at December 31.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.