Suspek sa pambobomba sa isang supermarket sa St. Petersburg, hawak na ng Federal Security Service ng Russia

By Mariel Cruz December 31, 2017 - 10:05 AM SHARE(S):
AP PHOTO

Nasa kustodiya ng Federal Security Service (FSB) ng Russia ang isang suspek sa pambobomba sa isang supermarket sa St. Petersburg kamakailan.

Umabot sa labing tatlo katao ang nasugatan dahil sa nasabing pambobomba.

Ayon sa FSB, ikinulong ang suspek kahapon, pero hindi na nagbigay ng mga detalye ukol sa kanyang pagkakakilanlan.

Isinailalim na dinsa pagtatanong ng Investigative Committee ng Russia ang nasabing suspek.

Una nang inako ng Islamic State ang responsibilidad sa nasabing pagsabog na naganap sa Perekrestok supermarket sa St. Petersburg.

Pero hindi naman nakapagbigay ng anumang ebidensya ang militanteng grupo na magpapatunay na sila ang nasa likod ng pambobomba.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.