VIRAL: Mag-ina, nalaglag sa bus matapos palipatin ng konduktor dahil walang pambayad

By Rhommel Balasbas December 31, 2017 - 06:21 AM

Courtesy of Dave Villanueva

Trending ngayon sa social media ang isang Facebook post na nagpapakita ng mag-inang nakalagapak sa semento.

Ang video na iniupload ni Dave Villanueva 8:23 ng gabi ng Sabado ay nakakakuha na ng mahigit 670,000 views at ang mismong post at nagtala na ng higit 8,700 shares.

Ayon sa caption ni Villanueva, ang mag-ina ay nalaglag sa sinasakyang bus sa may Ayala, Makati matapos palipatin ng konduktor dahil walang pambayad.

Sa naturang video makikita na nakahandusay sa kalsada ang mag-ina, na tila nabaldado na ang nanay na hindi makagalaw matapos ang kanyang pagbagsak.

Ilang concerned citizens ang makikitang tumulong sa dalawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.