Sunog sa New York nagsimula dahil sa paglalaro ng kalan

By Justinne Punsalang December 31, 2017 - 06:16 AM SHARE(S):

Nalaman na ng New York Fire Department ang dahilan sa sunog na naganap sa New York City na kumitil sa buhay ng 12 katao, at ikinasugat ng apat na iba pa.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagsimula ang apoy sa paglalaro ng kalan ng isang tatlo’t kalahating taong gulang na batang lalaki.

Agad na nakatakas mula sa kanilang nasusunog na apartment ang bata kasama ang kanyang ina ay kapatid. Ngunit mabilis itong kumalat sa kabuuan ng limang palapag na gusali.

Ayon sa Housing Preservation and Development Department ng New York, ang mga apartment sa naturang gusali ay mayroong ‘self-closing doors’ na otomatikong nagsasarado para mapigilan ang pagkalat ng apoy.

Ngunit sa paglikas ng pamilya ng bata ay hindi nagsara ang kanilang pintuan, na nagsilbing chimney at siyang pinaghugutan ng hangin para lumaki pa ang apoy.

Karamihan sa mga namatay sa naturang sunog ay pawang mga bata.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.