Solenn Heussaff at Nico Bolzico nagdiwang ng anniversary nang magkahiwalay

By Justinne Punsalang December 31, 2017 - 06:12 AM

Hindi alintana ng celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang distansya para sila ay magdiwang ng kanilang ikalawang anibersaryo.

Sa isang Instagram post, ay nagawa pang magbiro ni Nico na nakalimutan umano ni Solenn ang kanilang wedding anniversary.

Makikita sa naturang post ang larawan ng mag-asawa nang papalabas sila mula sa kanilang kasal at kita sa kanilang mga mukha ang saya.

Ani Nico, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang napangasawa na niya si Solenn na kung tawagin niya ay ‘wifezilla.’

Samantala, nagpost rin si Solenn sa kanyang Instagram ng kanilang litrato.

Sa caption, sinabi ng aktres na si Nico ang ‘best partner in life’ na kanyang mahihiling.

Dagdag pa nito, umuwi na si Nico para makapagdiwang na sila ng kanilang wedding anniversary.

Kasalukuyang nasa Argentina si Nico, habang nasa Pilipinas naman si Solenn.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.