Lalaki patay matapos masabugan ng granada sa North Cotabato

By Justinne Punsalang December 31, 2017 - 03:43 AM

Hindi na umabot pa ng buhay ang isang lalaki matapos itong masabugan ng granada sa tapat ng isang tindahan sa Barangay Poblacion ng Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Jamil Umraan, habang sugatan naman si Norodin Pacalna.

Ayon sa hepe ng Pikit Police Office na si Chief Inspector Romy Castañares, isasarado na sana ni Pacalna ang kanyang tindahan nang dumating ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng motorsiklo at naghagis ng granada bago tumakas.

Blangko pa ang mga otoridad tungkol sa motibo ng pag-atake.

Samantala, isa namang residente ang sugatan matapos masabugan rin ng granada sa bayan pa rin ng Pikit noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Esmael Guialel na nagtamo ng sugat dahil sa shrapnel ng granada.

Ayon sa tagapagsalita ng North Cotabato Provincial Police Office na si Superintendent Bernard Tayong, ibinato ng hindi rin kilalang suspek ang granada sa tapat ng bahay ni Guialel.

Sakay rin ng motorsiklo ang suspek.

Inaalam pa ng mga otoridad kung parehong tao ba ang may gawa ng dalawang pag-atake.

TAGS: North Cotabato bombing leaves 1 dead, North Cotabato bombing leaves 1 dead

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.