Chris Gavina, nagbitiw bilang coach ng Kia Picanto

By Rhommel Balasbas December 31, 2017 - 03:31 AM SHARE(S):

Panibagong isyu ang nadagdag sa serye ng mga kontrobersiyang kinahaharap ng Philippine Basketball Association sa kabubukas lamang na ika-43 season nito.

Ito ay matapos ang pagbibitiw sa pwesto ni Chris Gavina bilang head coach ng Kia Picanto.

Sa ulat na inilabas ng SPIN.ph, kinumpirma ni team manager Joe Lipa ang pag-alis ni Gavina bilang coach.

Ayon kay Lipa, ito ay upang mapagtuunan niya ng pansin ang produksyon at marketing ng kanyang IMPAKT power drink.

Pagkatapos ng praktis ng kanyang koponan nitong Sabado ay inanunsyo ni Gavina sa harap mismo ng kanyang mga manlalaro ang kanyang pagbibitiw sa pwesto.

Sa pagpasok naman ng panibagong taon ay papalit bilang bagong coach ng koponan si Assistant Coach Ricky Dandan.

Ang pag-alis ni Gavina ay ilang araw lamang matapos ang pag-uusap sa pagbili ng Phoenix sa parte ng Columbia Autocar Corporation, na siyang nagmamay-ari sa prangkisa sa PBA.

TAGS: Chris Gavina resigns as head coach, Kia Picanto, Philippine Basketball Association, Chris Gavina resigns as head coach, Kia Picanto, Philippine Basketball Association

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.