Alden Richards, nagsalita na ukol sa Showbiz break ni Maine Mendoza

By Rhommel Balasbas December 31, 2017 - 03:27 AM SHARE(S):

Binasag na ni Alden Richards ang kanyang katahimikan ukol sa isang buwang bakasyon ng kanyang on-screen partner na si Maine Mendoza.

Ayon kay Alden, masaya siya na masayang ipinagdiriwang ni Maine ang holiday season kasama ang kanyang pamilya sa Florida, USA.

Deserve anya nila pareho ang break na ito upang pansamantalang mapalayo sa mga bagay-bagay.

Matatandaang naglabas kamakailan ng open-letter si Maine ukol sa kanyang pagkasakal sa fans ng kanilang tandem kung saan para anya siyang nakakulong sa isang kahon.

Hinimok naman ni Alden ang lahat na hintayin na lang ang pagbabalik ng kanyang ka-loveteam.

Inaasahang babalik sa Eat Bulaga si Maine sa January 1, 2018.

TAGS: Alden Richards and Maine Mendoza, AlDub, Alden Richards and Maine Mendoza, AlDub

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.