3 sugatan sa pag-bangga ng SUV sa isang sasakyan at pedestrian sa Roxas Blvd.

By Mark Makalalad December 30, 2017 - 04:39 AM SHARE(S):

Sugatan ang tatlo katao matapos banggain ng SUV ang isang sasakyan at lalaki na tumatawid lamang sa bahagi ng Bucaneg St, Roxas Blvd, Pasay City.

Agad na isinugod sa ospital ang lalaking nabangga at dalawang sakay ng itim na Vios na sina Princess Canelle Pabroa na naipit ang binti, at Jay T. Medilo na may sugat sa bibig.

Sa lakas ng impact, hindi na mapatakbo pa ang itim na vios dahil nayupi ang gilid na bahagi nito habang basag naman ang bumper ng puting Chevrolet na nakabangga.

Ayon kay Arnel Pabroa, ang 38-anyos na driver ng Vios, biglang tumawid sa kabilang linya ang SUV at nagpaikot-ikot pa ito.

Lasing daw ang driver ng SUV at nawalan umano ng preno ang minamaneho nito.

Nakilala ang driver ng SUV na si Ronilo Angelo balboa, residente ng 22 Atlantic Drive Pacific Grand sa Sto Niño, Parañaque:

Bukod sa mga nasugatan, inararo rin ng SUV ang puno ng niyog na nagsisilbing divider sa kalsada.

Samantala, nagdulot naman ng bahagyang trapiko sa lugar ang aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.