96% ng mga Pilipino, sasalubungin nang may pag-asa ang 2018

By Rohanisa Abbas December 29, 2017 - 08:50 PM

Positibo ang mas nakararaming Pilipino sa pagpasok ng bagong taon.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 96% ng mga Pilipino ang may pag-asa sa pagsalubong sa 2018.

Sinabi ng SWS na laging mataas ang pag-asa tuwing bagong taon, ngunit itinuturing ito na “all time high” mula nang isagawa ang kaparehong survey noong 2000.

Samantala, 4% naman ang sasalubungin ang 2018 nang may takot.

Isinagawa ng SWS ang survey mula December 8 hanggang 16 sa 1,200 katao sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

TAGS: 2018, Filipinos hopeful for new year, 2018, Filipinos hopeful for new year

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.