Kris Aquino, iginiit na walang planong tumakbo sa Senado sa 2019

By Rhommel Balasbas December 29, 2017 - 08:24 PM

“I have no 2019 ambitions.”

Ito ang bahagi ng tugon ni Kris Aquino sa mga nagpupumilit na may plano siyang tumakbo sa pagkasenador sa 2019.

Marami kasi ang nagtatanong kung susundan niya ba ang yapak ng kanyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, pinabulaanan niya ang mga ispekulasyon.

Sa naturang post habang hagkan-hagkan ang anak niyang si Bimby, sinabi ni Aquino na mas maiging matulog na lamang siya kaysa patulan ang mga nagsasali sa kanya sa mga isyung pampulitika.

May pang-asar naman ang queen of all media sa mga nagpupumilit na may plano siyang tumakbo sa halalan.

Anya saka na lang nila igiit ang isyung ito sa February 14, 2021 na anya’y isang ‘perfect 50th birthday celebration’ para sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.