Lalaking sinubukang magpuslit ng marijuana, arestado sa Cebu City

By Justinne Punsalang December 29, 2017 - 09:25 AM

Arestado sa Pier 3 ng Cebu City ang isang lalaki matapos tangkaing magpuslit ng droga.

Kinilala ang suspek na si Louie Aupe, 33 taong gulang.

Ayon sa mga otoridad, papasakay sana si Aupe sa bangkang patungo ng Bohol nang ito ay maharang ng isa sa mga x-ray operator sa pantalan.

Nilapitan umano ng operator si Aupe para tanungin kung ano ang laman ng kanyang bag. Sa una ay nagpalusot ang suspek at sinabing basura lamang ang laman nito.

Ngunit nang tingnan ang laman ng bag ay nakitang marijuana na nakabalot sa papel ang laman nito.

Depensa naman ni Aupe, mayroon siyang cyst at ginagamit niya ang marijuana bilang gamot para dito.

TAGS: Cebu City, Marijuana, Pier 3, Cebu City, Marijuana, Pier 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.