May-ari ng jeep na bumangga sa bus sa La Union, humarap sa LTFRB

By Rohanisa Abbas December 28, 2017 - 09:28 AM

Dumulog sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 ang may-ari ng jeep na bumangga sa isang bus na ikinasawi ng 20 tao.

Ayon kay Ronald Dicusin, hiniram sa kanya ng driver ang jeep. Ipinaalam umano ng driver na pupunta sila ng kanyang mga kaanak sa Manaoag, Pangasinan.

Nilinaw ni Dicusin na hindi inarkilahan ang kanyang jeep at wala siyang tinaggap na bayad.

Hindi naman ito pinaniniwalaan ni Zoraida Perez, ina ng driver ng jeep na si Ronaldo Perez Jr.

Noong Pasko, araw ng Lunes, patungong Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag nang sumalpol ang jeep sa Partas Bus sa Agoo, La Union.

Nagresulta ito sa pagkasawi ng 20 katao at pagkasugat ng 26 katao.

 

TAGS: 20 patay, agoo, aksidente, bus, Jeep, La Union, 20 patay, agoo, aksidente, bus, Jeep, La Union

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.