5 Iranian, hinarang sa NAIA dahil sa pekeng passport

By Jay Dones December 28, 2017 - 12:08 AM

 

Limang Iranian ang pinigil ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport matapos madiskubreng peke ang bitbit na passport ng mga ito.

Ayon sa Bureau of Immigration, kinilala ang mga Iran nationals na sina Abbas Fereidoun Nezhad, 29-anyos, Hesam Delgarm 28, at isang 38 anyos na ina at dalawa nitong menor de edad na anak.

Napag-alaman na dumating ang lima sa bansa noong nakaraang December 22 at 24 ang limang dayuhan bitbit ang Spanish at Belgian passports mula sa Bangkok, Thailand.

Gayunman, nang maberipika, nadiskubreng peke ang ipinrisintang pasaporte ng mga ito.

Agad namang idineport ang mag-iinang Iranian samantalang isinasalang pa sa kaukulang imbestigasyon ang dalawa pang lalake.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa likod ng paggamit ng pekeng passport ng mga ito at kung bakit sa Pilipinas nagpasya ang mga itong mag-stop-over tungo sa London na orihinal nilang destinasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.