Pinsan ni Rihanna, pinaslang

By Justinne Punsalang December 27, 2017 - 11:39 PM SHARE(S):

Nagluluksa ngayon ang pop singer na si Rihanna matapos malamang pinagbabaril hanggang sa mapatay ang kanyang pinsan sa Barbados.

Batay sa ulat ng lokal na pulis ng St. Michael island, naglalakad pauwi si Tavon Kaiseen Alleyne, dalawamput isang taong gulang, nang lapitan ito ng hindi pa nakikilalang salarin at ilang beses na pagbabarilin.

Matapos ang insidente ay kaagad na tumakas ang gunman.

Naisugod pa sa Queen Elizabeth Hospital si Alleyne, ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Sa isang Instagram post ng Grammy Award-winning singer, ibinahagi nito ang kanyang mga litrato kasama ang nakababatang pinsan.

Sa caption ng naturang post, sinabi ni Rihanna na nakasama lamang niya si Alleyne nang magdiwang ito ng Pasko.

Aniya, hindi niya akalain na ito na pala ang huling beses na mayayakap niya ang pinsan.

Ginamit pa ni Rihanna ang hashtag na #endgunviolence sa post.

Nagpost rin si Rihanna sa kanyang Instagram Story kung saan isinulat nito ang mga katagang “rest up lil cuz” at naka-tag rin ang Instagram account ng kanyang pinsan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.