Mitsubishi Montero sumalpok sa ukay-ukay sa Pasig

By Mark Makalalad December 27, 2017 - 11:21 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Sumalpok ang isang kulay grey na Mitsubishi Montero sa ukay-ukay store sa Lifehomes, Pasig City matapos umanong mawalan ng preno.

Kwento ni Nelson Cheng, driver ng SUV na may plakang NL 7113, nagpa-park lang sya ng kanyang sasakyan sa may LG Plaza dahil kakain sya sa isang fast food chain na malapit sa ukay-ukay store nang biglang humarurot ang kanyang minanehong Montero.

Swerte namang hindi tinamaan ang ilang namimili sa tindahan sa aksidenteng nangyari pasado alas-4:30 ng hapon.

Hindi rin nagtamo ng sugat ang driver ng Montero.

Kwento niya, ito ang unang pagkakataon nangyari sa kanya ang sudden unintended acceleration.

Samantala, sinabi rin ng driver na handa nyang panagutan ang aksidente na nagresulta sa pagkakasira ng salamin ng tindahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.