Pampasaherong bus nasunog sa NLEX

By Justinne Punsalang December 26, 2017 - 10:46 AM

Justinne Punsalang

Nasunog ang isang pampasaherong bus habang binabagtas ang North Luzon Expressway Martes ng madaling araw.

Itinawag sa NLEX traffic ang insidente ng sunog sangkot ang ES trasport bus alas 2:45 ng madalingaraw at naapula ang apoy alas 3:15 ng madaling araw.

Tupok na tupok ang bus at hindi na mapapakinabangan pa.

Ayon kay Rodrigo Manlapas, driver ng bus, sa gulong sa likuran nagsimula ang apoy.

Sinenyasan umano siya ng mga kasabay niyang motorista na nagliliyab ang gulong kaya huminto siya sa bahagi ng Bocaue sa Bulacan.

Agad niyang pinababa ang nasa 10 pasahero kaya wala namang nasaktan sa mga ito.

Ani Manlapas, maaring nag-over heat ang brake lining ng bus.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bus, fire incident, bus, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.