Ginebra, hindi dapat magpakakampante sa panalo vs Magnolia

By Rod Lagusad December 26, 2017 - 02:29 AM SHARE(S):

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Binalaan ni LA Tenorio ang Ginebra na huwag maging kampante matapos manalo laban sa Magnolia sa score na 89-78 sa 2018 PBA Philippine Cup na ginanap sa Philippine Arena.

Ayon kay Tenorio, magandang panimula ito para sa bagong season ng liga.

Aniya, marami pa silang dapat gawin para mapabuti ang kanilang laro.

Naniniwala siya na ang ‘will’ na manalo ng koponan ang dahilan kaya sila nagwagi sa naturang laban.

Kinakailangan anila na hindi ibig sabihin na kapag nanalo ay nagawa nila ng tama ang lahat ng bagay sa court.

Dahil aniya naitatago ng panalo ang mga lapses na maari nilang nagawa.

Si Tenorio ay nakapagtala ng 15 points, 8 assists, 5 rebounds at 5 steals.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.